-- Advertisements --
Boris Johnson
Boris Johnson/ IG post

Pinabulaanan ni British Prime Minister Boris Johnson na nagsinungaling ito sa payo na ibinigay niya kay Queen Elizabeth II sa limang-linggong suspension ng Parliament.

Ayon kay Johnson na ang England High Court ay sumasang-ayon sa kaniya subalit ang Supreme Court ay kailangang munang magdesisyon.

Ang kapangyarihan kasi na mag-suspendi ng parliyamento ay nasa kamay ng Reyna na base na rin na sa payo ng prime minister.

Nagsimula ang limang-linggong suspension nitong Miyerkules at nakatakdang bumalik ang parliyamento sa Oktubre 14.

Magugunitang ginawa ito ng British Prime Minister para hindi na maharang pa ng mga members of parliyament ang Brexit deal nito na magtatapos sa katapusan ng Oktubre.