-- Advertisements --
Nanindigan si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na hindi ito hihingi ng dagdag palugit hinggil sa usapin ng Brexit.
Ito ay ilang oras lamang matapos ipatupad ang batas kung saan kinakailangan nitong i-delay ang pag-alis ng Britanya sa European union hanggang 2020 ngunit yun ay kung hindi ito makaka-isip ng divorce deal.
Panibagong pagsubok ang tumambad kay Johnson ngayong araw dahil sa ikalawang beses na pagkabigo nitong ilusong ang mas maagang snap general election.
Sa kabila ng malabong hinaharap ng Brexit, suspendido muna ang parliyamento hanggang Oktubre 14.