Ipinagmalaki ni British Prime Minister Boris Johnson ang magandang development ng coronavirus vaccine na gawa ng University of Oxford.
Lumalabas kasi na ito ay ligtas at nagti-trigger ng immune response.
Sa isinagawang trials ng 1,077 katao, makikita na ang injection ay nagdudulot ng antibodies at T-cells o isang uri ng lymphocyte na bumubuo ng thymus gland na may malaking tulong sa pagpapalakas ng immune system.
Dahil dito ay nag-order na ang UK ng 100 million na dosages ng nasabing bakuna.
Tinawag ang bakuna bilang ChAdOx1 nCoV-19 na mabilis itong ginawa.
Mula ito sa genetically engineered virus na nagdulot ng trangkaso sa mga chimpanzees.
Ilang pagbabago ang ginawa dito para hindi magdulot ng impeksyon sa mga tao.
Dahil dito ay magsasagawa ng malawakang trial na kinabibilang ng 30,000 katao sa US ganun din ang 2,000 katao sa South Africa at 5,000 katao sa Brazil.
Tiwala si Johson na matatapos na ang bakuna ngayong taon.