-- Advertisements --
theresa may 2 1
British PM May

Inalok ni British Prime Minister Theresa May ang mga members of parliament ng bagong Brexit deal.

Sinabi nito na ang mga mambabatas ay magsasagawa ng botohan kung itutuloy nila ang referendum sakaling sinuportahan ang EU Withdrawal Agreement Bill.

Naglalaman ang nasabing panukalang batas ng katiyakan sa karapatan ng mga manggagawa, environmental protections at Irish backstop.

Itinuturing na May na ang nasabing bill ay iyang huling baraha.

Dadalhin niya ang nasabing Withdrawal Agreement Bill para tuluyan ng maging batas sa buwan ng Hunyo.

Sinabi nito na ang deadlock sa Brexit ay pumipigil sa pag-unlad ng bansa.

Nauna rito tatlong beses ng ibinasura ng mga mambabatas ang nasabing Withdrawal Agreement.