Sumulat si British Prime Minister Theresa May sa European Union para mapalawi ang Brexit extension hanggang Hunyo 30.
Sa kasalukuyan ay nakatakda kasing umalis ang United Kingdom sa EU sa Abril 12 subalit wala pa ring withdrawal deal na naaprubahan ng mga Members of Parliaments.
Nakasaad sa proposal ni May na kapag maaprubahan ng mga mambabatas ang kasunduan sa tamang panahon ay makakaalis na ang UK sa EU bago ang European Parliamentary election sa Mayo 23.
Sakali naman aniya na kapag walang kasunduan ang naaprubahan ay maghananda na ang UK para sa paglagay ng kandidato sa halalan.
Hinihintay pa ng UK ang desisyon ng EU kung papayagan nila ang extension matapos na makailang beses na ni-reject ng mga mambabatas ang withdrawal agreement sa pagitan nila ng UK.