-- Advertisements --

Muli na namang nabigo si British Prime Minister Theresa May sa isinusulong nitong withdrawal deal sa European Union o Brexit.

Ito ay matapos na nakakuha lamang ng 242 na boto ang pumabor sa Brexit deal kumpara sa 391 na kumontra rito.

Mas mababa ito ngayon na boto kumpara noong unang kinontra ng mga members of parliament (MPs) noong buwan ng Enero.

Sinabi ng Prime Minister ang pagsalang sa botohan sa mga MPs ay kung pabor sila sa pag-alis ng UK sa EU ng walang kasunduan.

Nangangahulugan nito na boboto ang mga mambabatas base sa kanilang konsensya kaysa sundin ang utos ng kanilang party managers.

Matapos namang matalo ang UK deal ni May ay positibo pa rin ito.

“I continue to believe that by far the best outcome is the UK leaves the European Union in an orderly fashion with a deal,” ani May na halos mawalan na ng boses. “And that the deal we have negotiated is the best and indeed only deal available.”

Sakaling hindi maaprubahan ng Commons ang no-deal Brexit ay magkakaroon ng botohan muli na nagpapalawig sa Article 50 na isang legal mechanism na pagtanggal sa UK sa EU sa darating na Marso 29 at ito ay gaganapin sa Huwebes.

Narito ang mosyon na pagbobotohan: “This House declines to approve leaving the European Union without a withdrawal agreement and a framework on the future relationship on March 29.”

Kung ma-reject ang no-deal, ang susunod na pagbobotohan sa Huwebes ay sa pagbalam pa sa Brexit sa pamamagitan nang pagpapalawig sa Article 50.