Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si British Prime Minister David Lammy bukas, Marso 8.
Sa isang statement, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Ma. Teresita Daza na layunin ng pagbisita ng British PM na pagtibayin pa ang enhanced partnership ng Pilipinas at United Kingdom na unang inilunsad noong 2021 sa pamamagitan ng paglagda sa Joint Framework of the Enhanced Partnership gayundin para lalo pang palalimin ang bilateral relations ng 2 bansa.
Isa aniyang pagkakataon ang pagbisita ni PM Lammy sa bansa para mapag-aralan ang kooperasyon sa ilang usapin tulad ng trade at investments, defense, climate change at environment gayundin sa science and technology.
Maliban dito, makikipagpulong din ang British official sa kaniyang filipino counterpart na si DFA Sec. Enrique Manalo sa kaniyang pagbisita sa bansa at makikipag-kita din sa iba pang mga opsiyal ng gobyerno kabilang na si Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Inaasahang magpapalitan ng pananaw at kaalaman sina Manalo at Lammy kaugnay sa mga regional at international issue may kaugnayan sa commitment ng 2 bansa na pagsusulong ng kapayapaan, stability at rules-based order.
Nakatakda ding mag-courtesy call ang British official kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at makikipagkita sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).