-- Advertisements --
Pinabulaanan ni British Prime Minister Boris Johnson na mayroon ng kasunduang natapos sa Brexit deals.
Ayon kay Johnson na marami pang mga bagay ang dapat na ayusin.
Sinabi naman ni European Union negotiator Michel Barnier na dapat magkasundo ang dalawang panig hanggang sa katapusan ng Oktubre 16.
Magsasagawa kasi ng pagpupulong ang EU at dito pagdedesisyunan sa kalagayan ng Brexit.
Magugunitang itinakda sa Oktubre 31 ang tuluyang pagkalas ng United Kingdom sa EU.