-- Advertisements --

Dumalo sa unang pagkakataon sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) Summit ang bagong upong si British Prime Minister Keir Starmer.

Mainit siyang sinalubong ni US President Joe Biden na siyang host ng nasabing summit.

Isa-isa namang nakadaupang palad ni Biden ang mga lider ng iba’t-ibang bansa na dumalo sa summit.

Magugunitang pangunahing tatalakayin sa summit ang mainit na suporta nila sa Ukraine.