-- Advertisements --

Tiniyak ni British Prime Minister Rishi Sunak na kaniyang tatawagan ng pansin si Russia sa gaganaping G20 Summit sa Bali Indonesia.

Umaasa kasi ito na makakadalo ng personal si Russian President Vladimir Putin subalit noong nakaraang linggo ay inanunsiyo nito na ang kaniyang foreign minister na si Sergei Lavrov ang pupunta.

Isa kasi na nakatakdang talakayin ang paggiyera ng Russia sa Ukraine na nagdudulot na ng malaking pinsala.

Dadaluhan ng mga iba’t-ibang lider ng group of 20 countries ang summit kung saan pangunahing tatalakayin dito ay ang ekonomiya.