Isusuot ni British Queen Consort Camilla ang Queen Mary’s Crown sa koronasyon niya at ni King Charles III sa Mayo 6.
Ito ang inihayag ng Buckingham Palace.
Mahigit isang siglo na ang korona at isinuot ito ni Queen Mary para sa kanyang koronasyon noong 1911 kasama si King George V.
Babaguhin ito para sa landmark ceremony sa darating na Mayo.
Ito ang unang pagkakataon sa kamakailang kasaysayan na ang isang ginamit na korona ay gagamitin para sa koronasyon ng isang asawa sa halip na gaggawa ng isang bagong komisyon.
Sinabi ng Palasyo na ginagawa ang nasabing hakbang “sa interes ng pagpapanatili at kahusayan”.
Ire-reset ang korona gamit ang ilang Cullinan diamonds bilang pagpupugay sa yumaong Queen Elizabeth II.
Ang mga diamonds ay bahagi ng kanyang personal na koleksyon ng alahas sa loob ng maraming taon at madalas niyang isinusuot ang mga ito bilang mga brooch.
Samantala, si King Charles ay magsusuot ng St Edward’s Crown para sa coronation service sa Westminster Abbey.
Nabago na ito at ibinalik sa pampublikong display sa Tower of London.