Ibinunyag ng British rock band na Radiohead na sila ay napasok ng computer hackers kaya inilabas na lamang ang hindi naririnig na kanta.
Ang 18 oras na kanta na ni-record habang ginagawa ang kanilang classic album na OK Computer ay kanilang inilabas matapos na humihingi ng ransom ang hackers na nagkakahalaga ng $15,000.
Ang nasabing kita ng album ay mapupunta sa climate crisis activists na Extinction Rebellion.
Unang inilabas ang album na “OK Computer” noong 1997 na tinatawag na masterpiece ng banda.
Sa bagong labas na buong recording ng album ay mapapakinggan ang mga unfinished songs ng banda.
Minabuti na lamang nilang ilabas ang buong album para hindi mapunta lamang ang bayad sa mga computer hackers.
Sumikat ang banda sa kanilang hit song na “Creep” , ” High and Dry” at maraming iba pa.