Pumanaw ang British rock guitarist na si John Sykes sa edad na 65.
Ayon sa kampo nito na bumigay na ang kaniyang katawan dahil sa ilang taong pakikipaglaban sa cancer.
Naging gitarista ito ng mga bandang Whitesnake at Thin Lizzy.
Lumabas ito sa dalawang album ng Whitesnaks kung saan siya ang isa sa mga may gawa ng sikat nilang kanta na “Still of the Night” at “Is This Love”.
Nagsimula ang kaniyang career noong 1980 kasama ang heavy metal band na Tygers Of Tang na nakapag record ito ng dalawang album bago sumali sa bandang Thin Lizzy noong 1982.
Taong 1984 ng sumali ito sa Whitesnake dahil sa imbitasyon ng founder at frontman nito na si David Coverdale.
Matapos ang pag-alis nito sa Whitesnake ay bumuo ito ng sariling banda na Blue Murder.
Nagpaabot naman pakikiramay at nagpost ng kanilang tribute ang mga fans ni Sykes matapos na malaman ang pagpanaw nito.