Hindi papayag ang British rock icon na si Eric Clapton na tumugtog kapag ang papayagang manood lamang ay yung mga naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Ito ay matapos na ianunisiyo ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na papayagan lamang makadalo sa mga concert at clubs simula sa Setyembre ang mga “fully vaccinated” na mamamayan nila.
Sinabi ni Clapton na ang nasabing hakbang ay isang maituturing na discriminatory sa mga concert goers.
Lumabas ang kaniyang anunsiyo sa social media accounts ng mga anti-vaccine activists.
Noong nakaraang Mayo kasi ay nakaranas ng matinding side-effects ang singer matapos na maturukan ng AstraZeneca vaccine.
Ang susunod na UK concert nito ay sa Mayo 2022 sa Royal Albert Hall sa London habang mayroong ibang US Tour ito sa Setyembre.