-- Advertisements --
Nagkumahog ang British Royal Air Force (RAF) matapos na maharang nila ang dalawang Russian long-range maritime patrol bombers sa Scotland.
Itinaboy ng RAF ang mga bombers ng Russia na sumakop sa northern air policing area ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Sinabi ni Minister for the Armed Forces James Heappey na gumamit sila ng Typhoon jets para maitaboy ang nasabing Russian long-range bombers.
Gumamit ang Russia ng Tu-142 Bear-F at Tu-142 Bear-J maritime patrol aircraft para sa kanilang reconnaissance at anti-submarine warfare.