-- Advertisements --
https://www.instagram.com/p/B-NZ0tSFc0X/

Sumama na rin ang British Royal family sa maraming mamamayan ng Britanya sa pagbibigay pugay sa mga health workers.

Una rito maraming tao ang naglabasan sa kanilang mga bahay sa iba’t ibang panig ng United Kingdom na dumungaw sa kanilang mga bintana, pintuan at balkonahe at nagpalakpalakan bilang pagpapasalamat sa mga nurses, doctors at caregivers na nasa frontines laban sa coronavirus.

Ang iba’t ibang tanawin nang pagbibigay tribute sa mga health workers ay dumagundong sa mga social media na ang ibang mga pamilya ay meron pang cheering squad at kasabay ang masigabong palakpakan.

Sa ibang mga lugar naman ay gumamit pa ng fireworks at pinatunog ang busina ng mga kotse upang palakasin ang loob ng mga medical workers.

Ang Kensington Palace ay naglabas ng video kung saan maging si Prince Charles na nagpositibo sa coronavirus ay makikitang nakipaglakpakan din kasama ang asawa na si Camilla, ang Duchess of Cornwall.

Sa ngayon mahigit na sa 14,000 ang mga confirmed cases ng COVID-19 sa United Kingdom.