-- Advertisements --

Pumanaw na si British shot put record holder at two-time world’s strongest man na si Geoff Capes sa edad na 75.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya subalit hindi na sila nagbigay pa ng ibang mga detalye ng kamatayan nito.

Naging matagumpay sa kaniyang career si Capes kung saan dalawang beses itong nagwagi ng gintong medalya sa Commonwealth Games at sa European Indoor Championships.

Naging three-time Olympian siya at nagtapos lamang siya sa pang-limang puwesto sa noong Moscow Olympics ng taong 1980.

Isinilang siya sa Lincolnshire at naging six-time champion sa World Highland Games.

Pangalawang beses itong naging World’s Strongest Man noong 1983 sa Christchurch, New Zealand at noong 1985 sa Cascais, Portugal.

May tangkad ito ng 6ft at 5.5 inch at tumimbang noong ng 170 kilograms.