-- Advertisements --
Screenshot 2019 04 21 03 15 27
IMAGE | Adele/FOX News

Matapos ang matagal na pananahimik tungkol sa kanilang relasyon, inamin ng award-winning singer na si Adele na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Simon Konecki.

Batay sa impormasyon ng kanilang representative na si Benny Tarantani, nagkasundo pa rin daw ang dalawa na palakahin ng tama ang kanilang anak at humingi na lang ng privacy kasunod ng paghihiwalay.

Kung maaalala, taong 2017 lang nang aminin ng Grammy-award winning British artist na siya’y kasal na.

Taong 2011 nang ipanganak ni Adele ang kanilang anak na si Angelo.

Kilala si Konecki bilang co-founder ng Life Water at ng charity nito ng Drop4Drop. (CNN)