Pumanaw na ang singer at actress na si Marianne Faithfull sa edad na 78.
Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw ng actress sa bahay nito sa London subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.
Isinilang sa Hampstead noong Disyembre 1946 at nakilala sa mga kantang pinasikat gaya ng “As Tears Go By” na pasok sa UK Top 10 noong 1964.
Bumida rin ito sa ilang pelikula gaya ng “The Girl On a Motorcycle” noong 1968.
Naging nobyo siya ni Rolling Stone frontman Mick Jagger noong 1960 na naging inspirasyon sa mga kantang “You Can’t Always Get What You Want” at “Wild Horses”.
Dumanas na ang actress ng iba’t-ibang mga saket gaya ng bulimia, breast cancer, emphysema dahil sa paninigarilyo at noong 2020 ay dinapuan ito ng COVID-19 kung saan na-ospital ito ng 22 araw.