-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin ang British musician na si Damon Albarn kay Taylor Swift.

Kasunod ito sa naging pahayag niya na hindi gumagawa ng sariling kanta ang singer.

Isinagawa ng lead vocalist ng bandang Blur at Gorillaz ang pahayag ng makapanayam ito ng mga mamamahayag sa Los Angeles.

Agad naman na sinagot ni Swift ang pahayag ni Albarn kung saan sinabi niya na iniidolo niya ang nasabing banda subalit ng mabasa ang pahayag ni Albarn ay tila nagbago na ang kaniyang paningin.

Dagdag pa ni Swift na siya mismo ang nag-Tweet para pabulaanan na may ibang gumagawa ng mga trabaho para sa singer.