-- Advertisements --

Binabatikos ngayon ang British pop singer na si Dua Lipa dahil sa social media post nito.

Nag-tweet kasi ang singer ng mapa na kinabibilangan ng Albania, Kosovo at ibang bahagi ng katabing bansa ng Balkan countries.

Inaakusahan kasi ang singer na pumapabor sa Albania expansionism dahil sa pagpost nito ng mga mapa.

Isinilang kasi sa Albania at lumipat ng UK ang nasabing singer.

Kinikilala kasi ng US at karamihang mga European governments ang Kosovo at hindi ang Serbia kasama ang mga kaalyado nila kabilang na ang Russia.