Pumanaw na ang British singer na si Vera Lynn sa edad 103.
Ayon a Dame Vera Lynn Children’s Charity, napapaligiran ito ng kaniyang mga kaanak ng nalagutan ng hininga sa mismong bahay niya sa Ditching, East Sussex, England.
Dalawa sa pinakasikat na kanta nito ang “We’ll Meet Again” na inilabas noong 1939 sa simula ng giyera at ang “The White Cliffs of Dover” na nirecord noong 1942 na ginawa na naglalarawan sa pagiging malakas at phlegmatic ng Britanya.
Ayon sa anak nitong si Virginia Lewis-Jones, na isinusulong ng kaniyang ina ang celebral palsy awareness.
Iba’t-ibang mga charities na rin ang kinabibilangan ng singer subalit ang talagang malapit sa kaniya ay ang mga bata kaya pinangunahan niya ang Dame Vera Lynn Children’s Charity.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si British Prime Minister Boris Johnson ng mabalitaan niya ang pagpanaw ng beteranang singer.