Sumakabilang buhay na ang dating British spy at Soviet secret agent na si George Blake sa edad na 98.
Sa ulat ng Russian media, pumanaw si Blake sa Moscow, Russia.
“Books have been written about him, films have been made. In intelligence, he was highly respected and appreciated,” saad ng isang spokesperson ng Russian foreign intelligence agency SVR.
“In intelligence, he was highly respected and appreciated. He himself jokingly said: ‘I am a foreign car that has adapted to Russian roads,'” dagdag nito.
“Now this foreign car has completed its almost century-long run.”
Si Blake ay dating double agent, na ginamit ang kanyang posisyon bilang opisyal sa Secret Intelligence Service (SIS) ng UK, na kilala rin bilang MI6, upang maging espiya ng Soviet Union.
Siya rin ang huli sa hanay ng mga British spies kung saan pinahiya ng lihim nitong pagtatrabaho para sa Soviet Union ang intelligence establishment nang natuklasan ito sa kasagsagan ng Cold War.
Sa loob ng siyam na taon, nagbigay ng impormasyon si Blake na nauwi sa pagtataksil sa nasa 40 40 MI6 agents sa Eastern Europe.
Nakulong sa London noong 1960, nakatakas si Blake noong 1966 at tumakas patungong Russia. (BBC/ CNN/ Reuters)