-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si US Open champion Emma Raducanu.

Dahil dito ay hindi na siya makakapaglaro sa exhibition event ng Mubadala World Tennis Championship sa Abu Dhabi.

Nakatakda sanang makaharap ng 19-anyos na British tennis star si Olympics singles gold medalist Belinda Bencic sa Disyembre 16-18.

Kasalukuyan na itong naka-isolate at labis ang kaniyang pagkadismaya dahil sabik na itong maglaro sa harap ng kaniyang mga fans.