-- Advertisements --
Natapos ang kampanya ni British tennis player Emma Raducanu sa Australian Open.
Ito ay matapos na talunin siya ni world number 98 Danka Kovinic sa ikalawang round.
Nangibabaw kasi ang Montenegrin tennis player sa score na 6-4, 4-6, 6-3.
Sa simula pa lamang ng laro ay tila nahirapan ang 19-anyos na British player dahil sa maliit na sugat sa kaniyang kamay.
Bahagyang nakabawi si Raducanu sa ikalawang round matapos na lagyan ng bandage ang sugat nito.
Ito rin ang unang pagkakataon ni Kovinic na makapasok sa ikatlong round ng Australian Open.