-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng Australian Open si British tennis sensation Emma Raducanu.

Nilampaso kasi nito si Sloane Stephens ng US sa score na 6-0, 2-6 at 6-1.

Sa unang set ay hindi na pinaporma ni Raducanu ang American tennis player.

Subalit pagdating ng ikalawang round ay doon na bumawi si Sloane hanggang nakabangon muli sa ikatlong set ang 19-anyos na si Raducanu.

Susunod na makakaharap nito sa ikalawang round si Danka Kovinic ng Montenegro.