-- Advertisements --

Nakatakdang sumailalim sa operasyon sa kaniyang likod si British tennis player Andy Murray.

Ang nasabing injury ay siyang dahilan kung bakit napilitang magretiro siya sa ikalawang round ng laban niya sa Queen’s Club Championship.

Napilitan din itong mag-withdraw sa torneo na ginanap sa London sa laban niya kay Australian tennis player Jordan Thompson.

Una ng sinabi ng 37-anyos na si Murray na pinag-aaralan na niyang magretiro sa tennis dahil sa mga injury niya.