-- Advertisements --

Emosyonal si Emma Raducanu matapos na mabigo ito sa unang round ng US Open.

Tinalo siya ni Sofia Kenin sa score na 6-1, 3-6, 6-4.

Dahil dito ay wala pang nakukuhang panalo ang British tennis star mula ng magkampeon ito sa US Open noong 2021.

Noong nakaraang tatlong taon kasi ay 18-anyos pa lamang siya ng maging unang qualifier para makuha ang Grand Slam singles championship.

Hindi naman akalain ng American tennis player na si Kenin na matatalo niya si Raducanu sa unang round.

Susunod na maaaring labanan ni Raducanu ang Korea Open na magsisimula sa Seoul sa darating na Setyembre 16.