-- Advertisements --
May bago ng nakuhang coach si US Open champion Emma Raducanu.
Ito ay sa katauhan ni Torben Beltz.
Ang 44-anyos na German coach ay naging coach na rin ng kababayan nito ng si Angelique Kerber na nagpanalo sa kaniya sa Australian Open at US Open noong 2016.
Inanunsiyo na rin ni Kerber na hindi na sila magkakasama ni Beltz noong 2022.
Mula pa noong Setyembre ay wala ng coach ng 18-anyos na British player ng maghiwalay sila ng landas ng coach nitong si Andrew Richardson matapos ang maging unang qualifier na manalo sa US Open.