-- Advertisements --

Nagmatigas si Britney Spears na hindi siya babalik sa pagkanta hanggang hawak ng ama ang kaniyang career.

Ayon sa singer na mula ng hawak ng ama ang conservatorship noong 13-anyos pa ito ay nasira na ang kaniyang pangarap.

Ang nasabing pahayag ay siyang pinakahuling insidente ng conservatorship na kumokontrol sa personal at financial affairs ng singer.

Sa ngayon ay gusto pa niyang magbahagi ng video sa kaniyang tahanan imbes na sa stage.

Magugunitang noong 2008 ng hawakan ng ama nito ng Jamie Spears ang conservatorship dahil umano sa depression.