-- Advertisements --

Hiniling ni Britney Spears sa korte na tanggalin na ang ama sa pagkontrol sa kaniyang buhay.

Naging legal conservator kasi sa loob 12 taon na si Jamie Spears dahil sa isyu ng mental health ng singer.

Temporaryong umalis ang ama sa nasabing duty nito dahil sa iniindang sakit nito.

Nakasaad sa court documents sa Superior Court ng California sa Los Angeles, na kinokontra ng singer ang pagbabalik ni Jamie bilang kaniyang conservator.

Ibinibigay ng korte ang conservatorship sa mga individual na hirap magdesisyon dahil sa sakit na dementia o ibang mga mental illnesses.

Bagamat nasa ilalim ng conservatorship ang singer ay nakapaglabas ito ng tatlong albums, natapos niya ang dalawang taon na Las Vegas residency at naging judge ng The X-Factor.