-- Advertisements --

Binasag na ng singer na si Britney Spears ang kaniyang katahimikan sa pagdinig sa korte tungkol sa kaniy ang conservatorship sa loob ng halos 13 taon.

Dumalo ang singer sa virtual hearing kung saan hiniling nito kay Judge Brenda Penny na makapagsalita ito.

Binasa ng singer ang inihanda nitong sulat sa loob ng 20 minuto.

Sinabi nito na hindi ito nagpunta sa korte ng matagal dahil sa tila hindi nadidinig ang kaniyang panig.

Dagdag pa ng 39-anyos na singer na tila pinipilit itong magtanghal at wala itong privacy.

Pinilit din itong gumamit ng birth controls, mga gamot na lithium na gamot sa bipolar disorder at pinadalo sa therapy sessions ng labag sa kalooban niya.

Lahat aniya ng nangyari sa kaniya ay aprubado ng ama.

Nanawagan ito sa korte na pakinggan naman ang kaniyang hinaing.

Magugunitang mula noong 2008 ay naging conservator na ang ama nito sa $60 milyon yaman nito kasama ang abogadong si Andrew Wallet dahi sa serye ng personal issues.

Taong 2019 ng magbitiw si Wallet at noong 2020 ay itinalaga ng korte ang Bessemer Trust bilang co-conservator.