-- Advertisements --

Ibinahagi ng singer na si Britney Spears ang kaniyang kasiyahan matapos na makabili ng sarili nitong iPad.

Sa kaniyang Instagram, ay nagpost ito ng video kung gaano ito kasiya ng dumating ang inorder nitong ipad sa online.

Ito kasi ang unang pagkakataon na makabili siya ng ipad para sa sarili.

Ang kaniyang mga anak na si Sean, 15 at 14-anyos na si Jayden ay nabilihan niya ng nasabing gadget subalit wala itong sarili kaya napagtanto niya na bumili rin ng sarili.

Dagdag pa nito na dati ay gumagamit ito ng maliit na telepono ngayon ay naninibago siya sa bago niyang gadget.