Ikinalugod ng kampo ng pop star na si Britney Spears ang pagbaba ng kaniyang ama bilang conservator nito para sa properties ng anak.
Magugunitang umabot pa sa korte ang bangayan ng mag-ama dahil sa pakikialam umano ni Jamie Spears sa mga desisyon ng “Baby One More Time” hit maker para sa kaniyang mga ari-arian.
Naniniwala ang marami na malaking rason sa pagbaba ni Jamie mula sa pagiging conservator ang matinding pressure at social media attacks ng fans at supporters ni Britney.
Katwiran ni Mr. Spears kaya niya hinawakan ang pagiging conservator, ang aniya’y “abusive” na paggamit ng singer at karelasyon nito sa mga naipundar ng anak.
Sinabi pa nitong “mentally unwell” si Britney, kaya hindi niya basta maiwanan dito ang pangangasiwa ng properties.