-- Advertisements --
Umani ng papuri mula sa kaniyang fans ang documentary film na ginawa ng singer na si Britney Spears na ipinalabas sa US.
Isinaad dito kasi ang buhay ng singer mula sa simula hanggang sa tuluyang pagsikat nito.
Kasama rin dito ang pagiging conservator ng kaniyang amang si Jamie dahil mental health issue na kinakaharap ng singer.
Ilan sa mga kapwa celebrities naman ang nagbigay ng suporta sa kaniya matapos na mapanood ang documentary.
Pinangunahan ito ng actress na si Jessica Parker, singer na sina Bette Midler at Miley Cyrus.