-- Advertisements --

Sumailalim sa 14-days isolation ang singer na si Britney Spears para makasama lamang ang dalawa nitong anak na lalaki na sina Jayden at Sean.

Britney and Sons
Britney Spears and sons

Kuwento nito na matapos ang pagbabalik nito mula sa Los Angeles patungong Louisiana ay ipinag-quarantine siya ng kinakasamang si Kevin Federline para matiyak na hindi ito nahawaan ng coronavirus.

Nasa homeschooling kasi ang dalawang anak nito at naabutan ng lockdown noong Marso.

Dahil na rin sa kagustuhan nito na makapiling ang dalawang anak ay pumayag na lamang itong sumailalim sa 14 day quarantine.