-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inantay na lamang ngayon ng mga taga-Butuan City ang pag-file na ng certificate of candidacy ni incumbent Mayor Ronnie Vicente Lagnada matapos na pormal nang maghain ng kanyang COC ang broadcaster at dating Buenavista, Agusan del Norte Mayor Norbert Pagaspas para tumakbong alkalde ng lungsod.

Kasama ang kanyang buong slate sa mga nag-file na ng COC mula sa posisyong congressman, pati vice mayor hanggang city councilors ilalim sa political party ng PDP-Laban Cusi Wing.

Kasama rin ni Pagaspas sa paghain ng COC ang kanyang asawa na si incumbent Buenavista, Agusan del Norte Mayor Amy Cabunoc Pagaspas na syang pumalit kay Norbert matapos magdesisyong tatakbo dito sa Butuan City.