-- Advertisements --
PMA LETTER TO TULFO
Persona non Grata of PMA to Tulfo/

Naglabas ng Board Resolution ang Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) kung saan idineklara nang persona non grata ang brodkaster na si Erwin Tulfo.

Ang nasabing resolution ay may kinalaman sa ginawang pambabastos kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary at dating Philippine Army Chief, Retired Gen.Rolando Bautista.

Ayon kay PMA Alumni Association Inc. Spokesperson Col Noel Detoyato ang nasabing board resolution ay pinirmahan ng PMAAAI Chairman at CEO, Retired Major General Rufo De Veyra at President and COO, Police Colonel Arthur Bisnar.

Nakasaad sa resolusyon ang mga bastos na pananalita ni Erwin Tulfo laban kay Sec Bautista na miyembro ng PMA Class of 1985.

Ayon sa PMAAAI ang kabastusan ni Erwin Tulfo ay paglabag sa Broadcast Code of the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at Journalist’s Code of Ethics ng National Press Club.

Paglabag din anila ito sa R.A. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nagkasundo ang PMAAAI Board of Directors na hindi kailanman bibigyan ng importansya ang presensya ni Erwin Tulfo sa lahat ng aktibidad ng asosasyon maging sa mga Chapter members at Affiliate Organizations.

Hindi na rin daw ito mapapabilang sa mga prebelihiyo na ibinibigay sa mga responsible media practitioners.