-- Advertisements --

Sumakabilang buhay na ang batikang broadcaster sa Estados Unidos na si Larry King sa edad na 87.

Sa anunsyo ng kanyang kompanya na Ora Media, sinabi nito na pumanaw si King sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles.

Hindi naman inilahad kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni King, ngunit mahigit isang linggo na itong nasa ospital matapos dapuan ng COVID-19.

Matagal ding nakipaglaban ang batikang host sa sakit na diabetes at ilang mga atake sa puso.

Noong 2017 nang ibinulgar ni King na na-diagnose itong may lung cancer.

Sa kanyang karera na tumagal ng 63 taon, nakilala ang Peabody Award-winning broadcaster sa kanyang programang “Larry King Live” na umere sa CNN mula 1985 hanggang 2010.

“Whether he was interviewing the US president, foreign leader, celebrity, scandal-ridden personage or an everyman, Larry liked to ask short, direct, and uncomplicated questions,” saad sa social media post ng Ora Media. (AP)