KALIBO, Aklan – Inaresto ng mga otoridad ang isang freelance broadcaster sa kanyang bahay sa Barangay Ochando, New Washington, Aklan dahil sa cyber libel case.
Kinilala ang inaresto na si Carlo Asturias, sa legal na edad, tubong Roxas City, Capiz at kasalukuyang nagtatrabaho at nakatira sa Aklan.
Batay sa ulat, inaresto si Asturias noong Sabado, Pebrero 12 ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG) at New Washington PNP.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10171 o cyber libel.
Nag-ugat ang cyber libel charge na kinakaharap nito matapos akusahan sa kanyang programa sa dating pinagtatrabahuhang estasyon ng radyo ang binaril-patay na si dating Sangguniang Bayan Member Jun Rondario ng Malinao, Aklan na diumano’y sangkot sa illegal logging at illegal quarry sa naturang bayan.