Hinatulang makulong ng korte si dating four-division boxing champion Adrien Broner dahil sa contempt.
Ito ay matapos na bigong bayaran niya ng mahigit $800,000 ang isang babae na kaniyang sinaktan sa isang nightclub noong 2018.
Ayon kay Judge Nancy Margaret Russo, na binalewala ni Broner ang ibinigay ng korte na deadlines at extensions sa pagbabayad sa biktima.
Nakuha pa ng boksingero na ipagyabang ang kaniyang pera sa social media na nangangahulugan na ito ay kakayahan na magbayad.
Dagdag pa ni Russo na mananatili si Broner sa kulungan hanggang magbigay ito ng makakatotohanang impormasyon sa kaniyang kakayahang magbayad.
Huling lumaban ang 31-anyos na si Broner ng talunin siya ni Filipino boxer Manny Pacquiao noong 2019.
Mayroon itong record na 33 panalo, apat na talo at isang draw na mayroong 24 knockouts.