Patuloy pa ring umaanu ng reaction ang napipintong duo sa pagitan ng mag-amang Lebron James at Bronny James matapos kunin ngayong araw (June28) ng Los Angeles Lakers ang batang James sa pamamagitan ng Draft No.55.
Kanya-kanyang reaction ang inilabas ng mga NBA analysts, players, at mga retiradong atleta sa magiging kauna-unahang father-son duo sa kasaysayan ng NBA.
Ayon kay Lakers General Manager Rob Pelinka, tiyak na gagawa ng kasaysayan ang mag-ama sa susunod na season, at tiyak na sa ilalim ito ng Lakers uniform.
Ayon naman kay NBA Champion Dwayne Wade, isa ito sa pinaka-nakakamanghang sandali sa mundo ng basketball. Binati rin nito ang anak ng dating teammate sa tuluyang pagpasok sa NBA.
Para kay Hawks guard Dejounte Murray, ang makita si Bronny James na may parehong jersey sa kanyang tatay ay maaaring ‘biggest flex’ sa ngayon.
Hindi rin nagpahuli si Lakers legend Magic Johnson, isa sa kinikilalang pinkamagaling na point guard sa kasaysayan ng NBA. Ayon kay Magic Johnson, tiyak na magandang panuurin ang ang magiging laban ni Bronny sa mga susunod na match up ng Lakers kasama ang kanyang tatay.
Ngayong araw ay nagdesisyon ang Lakers na kunin si Bronny sa pamamagitan ng 55th pick.
Bagaman bitbit ni Bronny ang pangalan ng kanyang tatay na tinaguriang KingJames, hindi naiwasan na siya ay sumalang sa kritisismo dahil sa mababang output sa kanyang mga nakalipas na laro.
Sa pagpasok niya sa draft night, hawak lamang ni Bronny ang 5 points per game, 3rebs per game, at 2 asst per game.