-- Advertisements --

Muling magbabalik sa hard court ang anak ni lakers’ superstar Lebron James na si Bronny James ng University Southern California Trojans matapos itong ma-cardiac arrest.

Ito ang kinumpirma ng kanyang koponan sa nalalapit ng kanyang collegiate season debut.

Ayon kay coach Andy Enfield, sasailalim muna sa minutes restriction ng paglalaro si Bronny sa kanyang unang collegiate game.

Maalalang nakaranas ng matinding medical emergency ang nakababatang James noong Hulyo ng himatayin ito sa kasagsagan ng ensayo.

Sa kabutihang palad ay tuluyan ng naka-recover ang 19 year old NBA prospect at handa ng magpakitang gilas sa mundo ng basketball.