-- Advertisements --

Napili ng Los Angeles Lakers bilang 55th pick ng 2024 Draft si Bronny James.

Dahil dito ay guguhit ang mag-amang LeBron James at Bronny sa kasaysayan ng NBA na kauna-unahang father-son duo dahil sa iisa ang kanilang koponan.

Ang nasabing draft ay inanunsiyo mismo ni NBA deputy commissioner Mark Tatum.

Ang 19-anyos na si Bronny ay naging matunog ang pangalan na makapasok sa draft ngayong taon.

Galing sa Sierra Canyon School sa California at pumirma na naglaro sa collegiate level sa USC Trojans.

Noong Hulyo 2023 ay nakaranas ito ng cardiac arrest na nagresulta sa congenital heart defect.

Matapos na makarecover ay bumalik ito sa paglalaro kung saan mayroong 25 appearance siya sa 2023-24 season kung saan nag-average lamang siya ng five points, tatlong rebounds at dalawang assists.

Magugunitang sinabi noon ng NBA star na si James na hangad niyang makasama sa koponan ang anak.