-- Advertisements --

Nabigyan na ng clearance ng kaniyang mga doctor para makapaglaro ng basketball si Bronny James.

Ayon sa representative ng anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na maari ng bumalik ito sa paglalaro sa college basketball team apat na buwan matapos na ito ay nakaranas ng cardiac arrest.

Dagdag pa nila na isasailalim pa nila ang 19-anyos na si Bronny sa final evaluation sa USC staffers sa mga susunod na araw bago ito lumahok sa ensayo ng mga manlalaro sa susunod na linggo.

Pinasalamatan nila ang mga fans at kaibigan na nagpaabot ng pagdarasal para sa agarang paggaling ni Bronny.

Magugunitang noong Hulyo 24 ng biglang nawalan ng malay si Bronny habang nasa ensayo sa kanilang paaralan.

Agad itong dinala sa pagamutan at sumailalim sa ilang evaluation.