-- Advertisements --

Binawi ng Internatioal Olympic Committee ang bronze medal na iginawad nila kay American gymnast Jordan Chiles sa floor exercise ng Paris Olympics.

Ayon sa IOC na ibibigay na lamang nila ang nasabing medalya kay Ana Barbosu ng Romania.

Kasunod ito sa naging ruling ng Court of Arbitration for Sport (CAS) na ang initial inquiry na ginawa ng USA sa score ng Chile sa floor exercise na inihain ng isang minuto bago ang deadlines.

Sinabi naman ng International Gymnastics Federation (FIG) na ang original score ng Chile ay 13.666 ay naibalik a ang ranking ni Barbosu na mayroong 13.700 ay mag-improve sa ikatlong puwesto.

Desidido naman ang US Olympic at Paralympic Committee na kanilang iaapela ang nasabing kaso.