-- Advertisements --

Nasilat nang Detroit Piston ang powershouse team na Brooklyn Nets, 122-111.

Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Brooklyn.

Sinamantala ng Piston ang hindi pa rin paglalaro ng Nets superstar na si Kevin Durant upang tuldukan ang kanilang apat na sunod-sunod na talo.

Huling natalo ang Pistons sa double overtime kontra sa defending champion na Los Angeles Lakers.

Nito namang nakalipas na Linggo ay talo rin ang Nets sa Sixers kung saan hindi nakalaro si Kyrie Irving bunsod ng right finger sprain.

Nanguna naman kanina sa opensa ng Detroit si Jerami Grant na napantayan ang dating career high na 32 points para itala ang ikaanim pa lamang nilang panalo.

Ang Brooklyn ay meron ng 14 wins, pero 12 na rin ang talo.

Hindi rin naman umubra sa kulelat na team ang tandem nina James Harden na may 24 points at si Irving na nagpakita ng 27 points.

Sa next game bukas ng Nets (14-12) host sila kontra Indiana Pacers.

Ang Pistons (6-18) ay haharapin sa kanilang teritoryo ang Indiana sa Biyernes.