-- Advertisements --

Mistulang desperado na umano ang Brooklyn Nets na makahanap ng isang team para matuloy na ang pag-trade sa kanilang superstar na si Kevin Durant.

Sa ngayon kasi nasa halos walong linggo na ang nakakalipas mula ng humirit si Durant na malipat siya ng ibang team pero wala pa ring nangyayari.

Bago naman ang isang buwan mula ngayon ay magsisimula na rin ang mga training camps ng mga NBA teams.

Sinasabing maraming mga teams na rin ang pursigido na makuha ang dating MVP at 34-anyos na si Durant pero ayaw pa ring makipag-deal ng Brooklyn dahil nais nila ang mas malaking kapalit ang kanilang makukuha.