-- Advertisements --

Hindi kinaya ng powerhouse team na Brooklyn Nets ang Golden State Warriors nang tambakan sila sa score na 117-99.

Ang banggaan ay harapan ng high scoring teams, pero inalat pa ang superstar na si Kevin Durant nang magtala lamang ng season low na 19 points para sa Brooklyn dahil sa inilatag sa kanya na matinding depensa.

Sa panig ng Warriors hindi pa rin nagpaawat sa init ng kamay ang scoring champion at two-time MVP na si Stephen Curry nang magbuhos ng 37 points.

Todo sigawan din ang mga fans para kay Curry, na MVP! MVP!

Ang isa pang main man ng Brooklyn na si James Harden ay nasayang din ang 24 points para malasap nila ang ika-limang talo, mula sa naunang 10 panalo.

Ang Warriors ay nanatiling top team ngayon sa NBA na meron ng 12 panalo at dalawa pa lamang ang talo ngayong bagong season.