Tinambakan ng Brooklyn nets ng 39 big points ang washington Wizards sa unang paghaharap ng dalawa ngayong preseason, 131 – 92.
Mistulang hindi pumalya ang Nets sa pagpasok ng mga shots nito, gamit ang 53.8 shooting percentage kung saan 49 shots ang nagawang maipasok mula sa 91 attempts.
Sa ganda ng opensa ng Nets, hindi nagawa ng Wizards na habulin ang kanilang kalabang koponan.
Hindi rin pinalad ang Wizards sa 3-point arc dahil tanging pitong 3-point shots lamang ang nakayang maipasok mula sa 39 attempts.
Pitong player ng nets ang kumamada ng double-digit scores sa kabuuan ng laro, sa pangunguna ng guard na si Cam Thomas.
Naglaro rin ang all-star player na si Ben Simmons sa loob ng 13 mins at gumawa ng 11 points, 5 rebounds.
Sa Wizards, nalimitahan lamang sa 13 points si Jordan Poole habang 7 points lamang ang naging ambag ni Kyle Kuzma.
Hawak na ng Wizards ang tatlong pagkatalo at isang panalo habang isang talo at isang panalo naman ang kartada ng Nets.